Prophet’s Parents: Heaven or Hell? |Filipino|

والدا النبي صلى الله عليه وسلم في الجنة أو في النار

 الحمد لله الذي أرسل رسوله بالهدى و دين الحق ليظهره على الدين كله و كفى بالله شهيدا. و أشهد أن لا إله إلا الله وحده لا شريك له إقرارا به و توحيدا. و أشهد أن محمدا عبده و رسوله صلى الله عليه و على آله و صحبه و سلم تسليما مزيدا. أما بعد: إن أصدق الحديث كتاب الله و أحسن الهدي هدي محمد و شر الأمور محدثاتها و كل محدش’ بدعة و كل بدعة صلالة

Isang salaysay na matatagpuan sa Saheeh Muslim (203), Sunan Abu Dawud (4718) at Musnad Ahmad bin Hanbal vol.3 p. 119 na minsang may nagtanong sa Sugo ng Allaah (صلى الله عليه و سلم) ng:

“Nassan ang aking ama? (at) sinagot niya: “Sa (loob ng) impyerno”. Nang makita niya ang pagbabago (pagkakalungkot) sa mukha niya, sinabi niya (صلى الله عليه و سلم) na: “Ang aking ama at ang iyong ama ay (parehong nasa loob) ng impyerno”.

إن أبي وأباك في النار لما سأله رجل عن أبيه قال: إن أباك في النار فلما رأى ما في وجهه من التغير قال: إن أبي وأباك في النار

( في صحيح مسلم الإيمان ٢٠٣ ، سنن أبو داود السنة ٤٧١٨ ، مسند أحمد بن حنبل ٣/١١٩ )

Ayon sa ulat ni Imaam al-Nawawi (رحمه الله) hinggil sa salaysay (hadeeth) na nabanggit:

أَنَّ مَنْ مَاتَ عَلَى الْكُفْر فَهُوَ فِي النَّار , وَلا تَنْفَعهُ قَرَابَة الْمُقَرَّبِينَ ، وَفِيهِ أَنَّ مَنْ مَاتَ فِي الْفَتْرَة عَلَى مَا كَانَتْ عَلَيْهِ الْعَرَب مِنْ عِبَادَة الأَوْثَان فَهُوَ مِنْ أَهْل النَّار , وَلَيْسَ هَذَا مُؤَاخَذَة قَبْل بُلُوغ الدَّعْوَة , فَإِنَّ هَؤُلاءِ كَانَتْ قَدْ بَلَغَتْهُمْ دَعْوَة إِبْرَاهِيم وَغَيْره مِنْ الأَنْبِيَاء صَلَوَات اللَّه تَعَالَى وَسَلامه عَلَيْهِمْ اهـ

“Pinapakita nitong sinu-sino mang mamatay sa kalagayan ng kufr ay mapupunta sa impyerno. At ang pagkakaroon ng mga taong malalapit sa Allaah ay hindi makakapagbigay ng kaligtasan sa kanya. At pinapakita din dito na sino mang mamamatay sa panahon ng fatrah [ang panahon sa pagitan nina Propeta Iesa (عليه السلام) at Propeta Muhammad (صلى الله عليه و سلم)] at sumusunod sa pamamaraan ng mga Arabo sa panahong ito na siyang pagsasamba sa mga idolo ay mapapabilang din sa mga tao sa impyerno. Walang makikitang dahilan upang sabihing hindi sila inabotan ng da’wah ng deenul haneef sapagkat ang da’wah ni Ibraaheem (عليه السلام) at iba pang mga sugo ay nakarating sa kanila.”

Mula sa salaysay ng Saheeh Muslim:

 عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ : قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : اسْتَأْذَنْتُ رَبِّي أَنْ أَسْتَغْفِرَ لأُمِّي فَلَمْ يَأْذَنْ لِي ، وَاسْتَأْذَنْتُهُ أَنْ أَزُورَ قَبْرَهَا فَأَذِنَ لِي

( في صحيح مسلم الجنائز ٩٧٦ ،  سنن النسائي الجنائز ٢٠٣٤ ، سنن أبو داود الجنائز ٣٢٣٤ ، سنن ابن ماجه ما جاء في الجنائز ١٥٧٢ ، مسند أحمد نب حنبل ٢/٤٤١ )

Ayon kay Abi Hurayrah (kalugdan nawa siya ng Allaah): ‘Ang Sugo ng Allaah (صلى الله عليه و سلم) ay nagsabing: ‘Humingi ako ng pahintulot sa aking Panginoon upang magdasal para sa kapatawaran ng aking ina ngunit hindi niya ako pinahintulutan. At humingi ako ng pahintulot upang bisitahin ang kanyang libingan at ako ay pinahintulotan niya’.” (Saheeh Muslim al-Janaa’ez 976, Sunan an-Nasaa’ey al-Janaa’ez 2034, Sunan Abu Daawud al-Janaa’ez 3234, Sunan Ibn Maajah Maa Jaa’a fee al-Janaa’ez 1572, Musnad Ahmad bin Hanbal vol. 2 p. 441)

Napapaloob sa ‘Awn al-Ma’buwd:

( فَلَمْ يَأْذَن لِي ) : لأَنَّهَا كَافِرَة وَالاسْتِغْفَار لِلْكَافِرِينَ لا يَجُوز اهـ

Ang ibig sabihin ng “Ngunit hindi Niya pinahintulotan” ay sapagkat siya ay isang kaafirah at hindi pinapahintulotang magdasal para sa kapatawaran ng mga kuffaar.

Sinabi ni Imaam al-Nawawi (رحمه الله):

النَّهْي عَنْ الاسْتِغْفَار لِلْكُفَّارِ اهـ

“Pinapakita lamang nitong hindi maaring magdasal ng kapatawaran para sa mga kuffaar”.

Kung pagbabasihan ang naging tugon ni Shiekh Ibn Baz (رحمه الله) sa isang katanongan sa kanya sa Nur ‘ala al-Darb Radio Program, sabi niya:

 أهل الفترة ليس في القرآن ما يدل على أنهم ناجون أو هالكون، إنما قال الله جل وعلا (( وَمَا كُنَّا مُعَذِّبِينَ حَتَّىٰ نَنَبْعَثَ رَسُولاً ))  فالله جلَّ وعلا من كمال عدله لا يُعذب أحدا إلا بعد أن يبعث إليه رسولاً، فمن لم تبلغه الدعوة فليس بمعذب حتى تقام عليه الحجة، وقد أخبر سبحانه أنه لا يعذبهم إلاّ بعد إقامة الحجة، والحجة قد تقوم عليهم يوم القيامة، كما جاءت السنة بأن أهل الفترات يمتحنون ذلك اليوم، فمن أجاب وامتثل نجا ومن عصى دخل النار، والنبي صلى الله عليه وسلم قال  إن أبي وأباك في النار لما سأله رجل عن أبيه قال: إن أباك في النار فلما رأى ما في وجهه من التغير قال: إن أبي وأباك في النار  خرجه مسلم في صحيحه.

وإنما قال له النبي صلى الله عليه وسلم ذلك ليتسلى به ويعلم أن الحكم ليس خاصا بأبيه، ولعل هذين بلغتهما الحجة؛ أعني أبا الرجل وأبا النبي صلى الله عليه وسلم، فلهذا قال النبي عليه السلام:  إن أبي وأباك في النار  قالهما عن علمٍ عليه الصلاة والسلام؛ لأنه لا ينطق عن الهوى، قال الله سبحانه وتعالى:  [وَٱلنَّجمِ إِذَا هَوَىٰ (١) مَا ضَلَّ صَاحِبُكُم وَمَا غَوَىٰ (٢) وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلهَوَىٰٓ (٣)  إِن هُوَ إِلَّا وَحىٌ يُوحَىٰ (٤)]  فلعل عبد الله بن عبد المطلب والد النبي صلى الله عليه وسلم قد قامت عليه الحجة لما قال في حقه النبي ما قال، عليه الصلاة والسلام، وكان علم ذلك مما عرفته قريش من دين إبراهيم عليه الصلاة والسلام فإنها كانت على ملة إبراهيم حتى أحدث ما أحدث عمرو بن لحي الخزاعي حين تولى مكة وسرى في الناس ما أحدثه عمرو المذكور من بث الأصنام والدعوة إلى عبادتها من دون الله، فلعل عبد الله قد بلغه ما يدل على أن هذا باطل وهو ما سارت عليه قريش من عبادة الأصنام فتابعهم في باطله، فلهذا قامت عليه الحجة، وقد ثبت عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه قال:  رأيت عمرو بن لحي يجر قصبه في النار لأنه أول من سيب السوائب وغير دين إبراهيم  ومن هذا ما جاء في الحديث أنه صلى الله عليه وسلم  استأذن أن يستغفر لأمه فلم يؤذن له فاستأذن أن يزورها فأذن له  . أخرجه مسلم في صحيحه. فلعله بلغها ما تقوم به الحجة عليها من بطلان دين قريش كما بلغ زوجها عبد الله ، فلهذا نُهي صلى الله عليه وسلم عن الاستغفار لها، ويمكن أن يقال: إن أهل الجاهلية يعاملون معاملة الكفرة في الدنيا فلا يدعى لهم ولا يستغفر لهم؛ لأنهم يعملون أعمال الكفرة فيعاملون معاملتهم وأمرهم إلى الله في الآخرة. (فتاوى ابن باز من برنامج نور على الدرب ، الجزء رقم : ٥ ، الصفحة رقم ١٨٠-١٨٢)

Walang nababanggit mula sa Qur’aan na maliwang na nagsasabing ang Ahlul Fatrah ay maliligtas o masasawi. Ang Allaah ay nagsabing: At hindi Kami nagpaparusa maliban lamang na nagpadala Kami ng Sugo (upang magbabala)” [Suratul Isra’:15]. Dahil sa perpektong paghuhusga Niya, ang Allaah ay hindi nagpaparusa sa kanhit sino hanggat hindi Niya ito pinapadalhan ng isang Sugo. Kung kaya’t, sino mang hindi naabotan ng mensahe ng Islaam, hindi sila paparusahan hanggat sa maliwanag na mapatunayan ang mga katibayan laban sa kanila, katulad sa mga salaysay mula sa Sunnah na ang katibayan ay mapapatunayan laban sa Ahlul Fatrah at sila’y ilalagay sa pagsubok sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Samakatuwid, sino mang tutugon at susunod ay maliligat at sino mang sumuway ay mapapasakanya ang impyerno. Nung minsang may nagtanong sa Propeta (صلى الله عليه و سلم): “Nasaan ang aking Ama? at sinagot niya ito: “sa loob ng Impyerno” at nang masilayan niyang nagbago ang kanyang mukha, sinabi ng Propeta (صلى الله عليه و سلم): ‘Ang aking ama at ang iyong ama ay nasa impyerno’. (Iniulat ni Muslim sa kanyang Sahih – Tipon ng mga Mapapanaligang Hadeeth). Ninais ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) na pagaanin ang dinaramdam ng taong ito at ipinaalam sa kanyang hindi nag-iisa ang kanyang ama sa tadhanang kanyang sinapit. Maaring ang ama ng Propeta at ang kanyang ama ay naabutan ng da’wah kung kaya’t sinabi ng Propeta (صلى الله عليه و سلم), “Katotohanang ang aking ama at iyong ama ay (mapupunta) sa impyero”. Samakatuwid, alam niya ang ibig sabihin ng kaniyang sinasabi at siya (صلى الله عليه و سلم) ay hindi nagsisinungaling o nagsasalita ng kung anu-anong nagmumula sa kanyang pagnanais. Ang Allaah ay nagsabi: Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng bituin kapag ito ay lumubog (o naglaho), Kailanman ay hindi lumihis si Muhammad sa Daan ng Patnubay at Katotohanan, at hindi lumabas sa Gabay kundi siya ay nasa tunay at ganap na pagiging matuwid at pagiging totoo, At ang kanyang sinasabi ay hindi nagmula sa kanyang sariling kagustuhan, Kundi ang Qur’ân at ang Sunnah ay walang iba kundi kapahayagan na mula sa Allâh tungo sa Kanyang Propeta na si Muhammad. (Surah an-Najm 1-4). Maaring si ‘Abdullaah bin ‘Abdul-Muttalib, ang ama ng Propeta (صلى الله عليه و سلم), ay batid ang banal na mensahe kung kaya’t nasabi ito ng Propeta tungkol sa kanya. Alam ng mga Quraysh ang pananampalataya ni Ibraaheem (عليه السلام), dahil sinusunod nila ang pananampalataya ng Propeta Ibraaheem (عليه السلام) hanggang si ‘Amr bin Luhay al-Khuza’y ang namuno sa Makkah at ang pagsamba sa mga idolo ang nangibabaw. Ipinalaganap ni ‘Amr ang pagsamba sa mga idolo at sinunod nila siya at nagdadasal sila dito sa halip na sa Allaah. Maari ding batid ni ‘Abdullaah na ang ginagawa ng mga Quraysh sa pagsamba sa mga idolo ay mali at walang bisa, ngunit sinunod parin niya ang mga ito. Ito’y isang katibayan laban sa kanya. At naiulat din mula sa Hadeeth na ang Propeta (عليه السلام) ay nagsabing: “Nakita ko si ‘Amr bin Luhay na kinakaladkad ang kanyang bituka sa impyerno; siya ang nauna sa pagpapalaya ng mga hayop (para sa mga idolong kanilang sinasamba sa tuwing nanganganak ang isang kamelyong babae ng dalawang magkakasunod na babaeng kamelyo) at siya ring nagbago sa Pananampalataya ni Ibraaheem (عليه السلام)” [Sahih al-Bukhaari 3521, Sahih Muslim 2856]. Nabanggit din na “ang Propeta (صلى الله عليه و سلم) ay humingi ng pahintulot sa Allaah upang magdasal para sa kapatawaran ng kanyang ina ngunit hindi siya pinahintulotan. At humingi siya ng pahintulot upang bisitahin ang libingan ng kanyang ina at siya ay pinahintulotan. (ayon kay Muslim sa kanyang Sahih)

Maaring alam niyang walang basihan ang paniniwala ng mga Quraysh tulad ng kalagayan ng kanyang asawa (si ‘Abdullaah). Alinsunod dito, ang Propeta (صلى الله عليه و سلم) ay pinagbawalang humingi ng kapatawaran para sa kanya. May magsasabing ang mga tao sa kapanahunan ng Jahiliyyah ay kasing tulad ng mga hindi Muslim sa ating panahon. Kung gayoon, hindi maaring magdasal sa Allaah para sa kanila o humingi ng kapatawaran sa Allaah para sa kanila sapagkat’t ginawa nila ang mga gawain ng mga hindi nanampalataya. At dahil dito, sila ay tinuturing na hindi Muslim at ang kanilang kahihinatnan sa kabilang buhay ay nasa pagpapasiya ng Allaah.

(Mula sa Fatwa ni Sheikh Ibn Baz)

*Tugon Sa Mga Naniniwalang Ligtas ang Magulang ng Propeta sa Impyerno*

Hindi lingid sa ating kaalamang may mga naniniwalang ang magulang ng Propeta Muhammad (صلى الله عليه و سلم) ay ligtas mula sa Impyerno ng Allaah at pinanghahawakan nila ang pananaw ni Imaam al-Suyooti (رحمه الله) hinggil dito ayon sa hadeeth na nagsasabing binuhay silang dalawa ng Allaah mula sa kanilang kamatayan at nanampalataya sa da’wah ng Rasulullaah (صلى الله عليه و سلم).

Ang pananaw na ito ay tinatanggihan at pinapawalang bisa ng karamihan ng mga ‘ulamah na nagsabing ang mga ahadeeth tungkol dito ay mawdoo’ (gawa-gawa) o da’eef jiddan (masyadong mahina).

Nababanggit sa ‘Awn al-Ma’buwd (12/494):

“وَكُلّ مَا وَرَدَ بِإِحْيَاءِ وَالِدَيْهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَإِيمَانهمَا وَنَجَاتهمَا أَكْثَره مَوْضُوع مَكْذُوب مُفْتَرًى , وَبَعْضه ضَعِيف جِدًّا لا يَصِحّ بِحَالٍ لاتِّفَاقِ أَئِمَّة الْحَدِيث عَلَى وَضْعه كَالدَّارَقُطْنِيّ وَالْجَوْزَقَانِيّ وَابْن شَاهِين وَالْخَطِيب وَابْن عَسَاكِر وَابْن نَاصِر وَابْن الْجَوْزِيّ وَالسُّهَيْلِيّ وَالْقُرْطُبِيّ وَالْمُحِبّ الطَّبَرِيّ وَفَتْح الدِّين بْن سَيِّد النَّاس وَإِبْرَاهِيم الْحَلَبِيّ وَجَمَاعَة . وَقَدْ بَسَطَ الْكَلَام فِي عَدَم نَجَاة الْوَالِدَيْنِ الْعَلامَة إِبْرَاهِيم الْحَلَبِيّ فِي رِسَالَة مُسْتَقِلَّة , وَالْعَلامَة عَلِيّ الْقَارِي فِي شَرْح الْفِقْه الأَكْبَر وَفِي رِسَالَة مُسْتَقِلَّة , وَيَشْهَد لِصِحَّةِ هَذَا الْمَسْلَك هَذَا الْحَدِيث الصَّحِيح (يعني حديث : إن أبي وأباك في النار) وَالشَّيْخ جَلال الدِّين السُّيُوطِيّ قَدْ خَالَفَ الْحَفاظ وَالْعُلَمَاء الْمُحَقِّقِينَ وَأَثْبَتَ لَهُمَا الإِيمَان وَالنَّجَاة فَصَنَّفَ الرَّسَائِل الْعَدِيدَة فِي ذَلِكَ , مِنْهَا رِسَالَة التَّعْظِيم وَالْمِنَّة فِي أَنَّ أَبَوَيْ رَسُول اللَّه صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي الْجَنَّة” اهـ

Karamihan sa mga ulat hinggil sa magulang ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) na muling nabuhay at naniwala sa kanya at nailigtas ay mga gawa-gawa (mawdu’) at kasinungalingan. Ilan din dito ay masyadong mahina (da’eef jiddan) at hindi maaring maging saheeh sa kahit ano mang pagkakataon, ayon narin sa pagkakasundo ng mga Imaam ng hadeeth na ito’y mga mawdu (gawa-gawa) tulad nina: al-Daaraqutni, al-Jawzaqaani, Ibn Shaheen, al-Khateeb, Ibn ‘Asaakir, Ibn Naasir, Ibn al-Jawzi, al-Suhayli, al-Qurtubi, al-Muhibb, al-Tabari, Fath al-Deen bin Sayyid al-Naas, Ibraaheem al-Halabi at iba pa. Ang iskolar na si Ibraaheem al-Halabi ay ipinaliwanag ang katibayang ang magulang ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) ay hindi nailigtas mula sa Impyerno ng Allaah sa isang mahabang sanaysan, gayoon din si ‘Ali al-Qaari sa Sharh al-Fiqh al-Akbar. Ang katibayan sa pananaw na ito ay dahil sa mabigat na hadeeth na “Ang aking ama at iyong ama ay nasa imperyno”. Si Sheikh Jalaal al-Deen al-Suyooti ay hindi umayon sa mga huffaaz at mga ulamah at nanindigang silay ay nanampalataya at nailigtas at siya rin ay nagsulat ng mga sanaysay tungkol dito tulad ng al-Ta’zeem wa’l-Minnah fi anna Abaway Rasuwlallaah fil Jannah.”

Ngunit si Sheikhul Islaam bin Taymiyyah (رحمه الله) ay tumugon nung tinanong siya hinggil sa hadeeth na nabanggit sa pagkakabuhay muli ng magulang nga Propeta (صلى الله عليه و سلم):

 لَمْ يَصِحَّ ذَلِكَ عَنْ أَحَدٍ مِنْ أَهْلِ الْحَدِيثِ ; بَلْ أَهْلُ الْمَعْرِفَةِ مُتَّفِقُونَ عَلَى أَنَّ ذَلِكَ كَذِبٌ مُخْتَلَقٌ . .. وَلا نِزَاعَ بَيْنَ أَهْلِ الْمَعْرِفَةِ أَنَّهُ مِنْ أَظْهَر الْمَوْضُوعَاتِ كَذِبًا كَمَا نَصَّ عَلَيْهِ أَهْلُ الْعِلْمِ ، وَلَيْسَ ذَلِكَ فِي الْكُتُبِ الْمُعْتَمَدَةِ فِي الْحَدِيثِ ; لا فِي الصَّحِيحِ وَلا فِي السُّنَنِ وَلا فِي الْمَسَانِيدِ وَنَحْوِ ذَلِكَ مِنْ كُتُبِ الْحَدِيثِ الْمَعْرُوفَةِ وَلا ذَكَرَهُ أَهْلُ كُتُبِ الْمَغَازِي وَالتَّفْسِيرِ وَإِنْ كَانُوا قَدْ يَرْوُونَ الضَّعِيفَ مَعَ الصَّحِيحِ . لأَنَّ ظُهُورَ كَذِبِ ذَلِكَ لا يَخْفَى عَلَى مُتَدَيِّنٍ فَإِنَّ مِثْلَ هَذَا لَوْ وَقَعَ لَكَانَ مِمَّا تَتَوَافَرُ الْهِمَمُ وَالدَّوَاعِي عَلَى نَقْلِهِ فَإِنَّهُ مِنْ أَعْظَمِ الأُمُورِ خَرْقًا لِلْعَادَةِ مِنْ وَجْهَيْنِ : مِنْ جِهَةِ إحْيَاءِ الْمَوْتَى ، وَمِنْ جِهَةِ الإِيمَانِ بَعْدَ الْمَوْتِ . فَكَانَ نَقْلُ مِثْلِ هَذَا أَوْلَى مِنْ نَقْلِ غَيْرِهِ ، فَلَمَّا لَمْ يَرْوِهِ أَحَدٌ مِنْ الثِّقَاتِ عُلِمَ أَنَّهُ كَذِبٌ ثُمَّ هَذَا خِلافُ الْكِتَابِ وَالسُّنَّةِ الصَّحِيحَةِ وَالإِجْمَاعِ قَالَ اللَّهُ تَعَالَى : ( إنَّمَا التَّوْبَةُ عَلَى اللَّهِ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِنْ قَرِيبٍ فَأُولَئِكَ يَتُوبُ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا * وَلَيْسَتِ التَّوْبَةُ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ حَتَّى إذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ إنِّي تُبْتُ الْآنَ وَلا الَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمْ كُفَّارٌ ) سورة النساء ١٧-١٨

فَأَخْبَرَ أَنَّ سُنَّتَهُ فِي عِبَادِهِ أَنَّهُ لا يَنْفَعُ الإِيمَانُ بَعْدَ رُؤْيَةِ الْبَأْسِ ; فَكَيْفَ بَعْدَ الْمَوْتِ ؟ – مجموع الفتاوى (٣٢٧-٤/٣٢٥)

Walang Saheeh na naiulat hingil dito mula sa mga ‘ulamah ng hadeeth. Datapwa’t ang mga ‘ulamah ay nagkakasundo na ito’y isang gawa-gawang kasinungalingan. Walang pagtatalo (o pagkakaiba) ang mga ulamah na ito’y mula sa mga maliliwanag na kasinungalingan, ayon narin sa mga nabanggit ng mga ahlul ‘ilm. Hindi ito matatagpuan sa mga mapapanaligang kitaab ng mga hadeeth, o kaya’y sa mga Saheeh o sa mga Sunan o sa mga Musnad o kahit sa anong tanyag na kitaab ng hadeeth. Hindi rin ito nabanggit mula sa mga tagalathala ng kitaab ng Maghaazi o Tafseer kahit ang mga ito’y nag-uulat ng mga da’eef (mahina) na hadeeth kasama ng mga saheeh. Ang katotohanang ito’y isang kasinungalingan ay maliwanag sa sino mang may ‘ilm sa deen. Kung ang ganitong ulat ay talagang naganap, ay siguradong maraming magbibigay ng ulat nito at ipapahayag ito dahil ito’y nakakamangha sa dalawang malalaking aspeto: (una) dahil binuhay ang mga patay at (pangalawa) ang paniniwala sa kabilang buhay. Ang ganitong pangyayari ay mas may karapatang maipayag kaysa sa mga ibang ulat. (Ngunit) dahil walang mapagkakatiwalaang nag-ulat ng pahayag na ito, maliwanag na ito’y isang kasinungalingan. Higit pa rito, ito’y taliwas sa pahayag ng Qur’aan at sa mga Saheeh Sunnah at sa pagkakaisa ng mga opinyon ng mga ulamah. Ang Allaah ay nagsabi: “Tinatanggap ng Allaah ang pagsisisi ng mga taong gumawa ng kasamaan dahil sa kamangmangan at kahangalan at nagbalik loob pagkatapos (nito); sila ang mga papatawarin ng Allaah at ang Allaah ang Siyang Ganap na Maalam sa Kanyang pangangasiwa at pagtatakda. At walang silbi ang pagsisisi ng isang taong patuloy na gumagawa ng kasamaan hanggang sa dumating sa kanila ang paghihingalo at sasabihing “ako’y nagsisisi na ngayon”; at gayoon din ang sino mang mamatay sa kalagayan ng hindi naniniwala sa Islaam (kafir). (Suratun Nisaa’ 17-18)

Kung gayoon malinaw na sinasabi Niya na ang kanyang paghuhusga sa kanyang mga aliping naghihingalo ay walang halaga ang paniniwala kung kailan ay nasa harap na niya ang parusa ng Allaah, papaano na lang kaya kung talagang patay na (at hindi lang basta naghihingalo)? [-Majmu’ al-Fatawaa 4/325-327]

Mayroon ding nagsasabing ang hadeeth sa Saheeh Muslim ay tumutukoy sa tiyohin ng Rasulullaah (صلى الله عليه و سلم) at hindi ang kanyang ama na si ‘Abdullaah ay napakalayo sa katotohanan dahil sa mga puntong ito:

1. Walang basihan ang pananaw na ito dahil hindi tinawag ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) ang kanyang tiyohin bilang ama.

2. Ang taong nagtatanong sa Propeta Muhammad (صلى الله عليه و سلم) ay nagtatanong sa kalagayan ng kanyang ama at nung pinaliwanag ng Rasul ay tinukoy ng rasul ang dalawang ama nila na nasa Impyerno, ibig sabihin – ‘tatay’ ang pinag-uusapan at hindi tiyohin.

3. Mula sa mga ‘ulamah ng hadeeth, walang matibay na nagsasabing ang tinutukoy dito ay ang tiyohin ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) dahil kinakailangang mayroong katibayan ding magpapakita sa ating ang tiyohin niya at ang kanyang tinatawag na ama ay iisa at hindi ang kanyang tunay na ama.

4. Hindi kinakailangang maging matalino ng isang tao para intindihing ang ama ay tumutukoy sa tatay at hindi sa kung sino man.

5. Walang hadeeth na nagbabanggit na ang magulang ng Propeta ay nasa iisang paniniwala nila Waraqah bin Nawfal datapwa’t maliwanag na may hadeeth na tumutukoy na sila’y nasa impyerno.

6. Hindi rin masasabing magkaiba ang pananampalataya ng kanyang magulang kung mismong ang kanyang tiyo ay nanindigan sa paniniwala ng mga quraysh at namatay sa kalagayang ito.

7. Papaanong naging Mushrik si Abu Talib at Abu Lahab habang si ‘Abdullaah ay nasa pananampalataya kung tutuusin, nasa iisang panahon lamang sila noon?

8. At higit sa lahat, ang hadeeth na ito ay napapabilang sa mga hadeeth ahad at hindi maaring hindi tanggapin.

Sa huli, marapat sa isang Muslim na manindigan sa mga katibayan mula sa Qur’aan at Sunnah gayoon din sa mga naging pagkakasundo ng mga ‘ulamah sa mga aspetong pananampalataya. Hindi inuuna ng isang Muslim ang kanyang pansariling emosyon bilang pagpapatunay sa kanyang paniniwala o paninindigan. Marami ang nasawi at natikman ang galit at puot ng Allaah sa dunya dahil sa kanilang maling paniniwala. Malinaw sa mga dalawang hadeeth mula sa Saheeh Muslim na ang magulang ng Rasulullaah (صلى الله عليه و سلم) ay wala sa kalagayan ng fatrah o naniniwala sa deenul haneef o sa da’wah ni Ibraaheem; at kung mapatunayan mang nagkaisa ang paniniwala ni Waraqah bin Nawfal at ang paniniwala ng magulang ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) ay hindi rin masasabing makakapasok na agad sila sa paraiso sapagka’t ang Allaah lamang ang Siyang may karapatang banggitin ang mga Ahlul Jannah sa mga nabanggit sa Qur’aan o sa mga ahadeeth ng Rasulullaah (صلى الله عليه و سلم). Subalit sa jumhur ng mga ‘ulamah at sa mga maliliwanag at mabibigat na katibayan na ating mga nabanggit, malinaw na ang kalagayan ng magulang ng ating mahal na Propeta (صلى الله عليه و سلم) ay hindi napabilang sa nailigtas mula sa impyerno ng Allaah. Gayunpaman, hindi rin ibig sabihin nito’y nasisiyahan tayo sa mga ganitong kaganapan o sa sinapit ng mga magulang ng mahal ng Propeta (صلى الله عليه و سلم) datapwa’t ang pagtatalakay nito’y upang liwanagin ang mga haka-haka laban sa mga athaar ng mga salaaf, aqwaal ng hadeeth, at aayah mula sa Qur’aan ng Allaah. Hindi natin masisisi si Imaam al-Suyuti sa kanyang naging pananaw sapagka’t hindi siya perpekto at tao lang din siyang nagkakamali sa kanyang ijtihaad. Ang mga Muslim na napapabilang sa Ahlus Sunnah wal Jama’ah at umaayon sa manhaj ng Salafus Saalih ay nagkakasundo sa bagay na ito at walang pag-aalinlangang naninindigan sa mga katibayang malinaw na naihayag at nailatag mula sa Kitaab ng Allaah at Sunnah ng Propeta Muhammad (صلى الله عليه و سلم).

Allaahu ‘alam bissawab…

أقول قولي هذا وأستغفر الله لي ولكم و لسائر المسلمين فاستغفروره إنه هو الغفور الرحيم

 

 

Inilathala, sinalin sa Filipino at iniayos ni:

Abu Saifillah Wedzmer bin Nasser Munjilul
24 Jun 2013 /15 Sha’ban 1434 A.H.
Davao City, Philippines

Advertisements
This entry was posted in سؤال وجواب (Question and Answer). Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s